





May 24,2017 nasa Maguindanao kami kakatapos lang ng operation namin sa isa sa mga bundok dun. kamiy natutuwa at Hindi kami.napa encounter sa aming lakaran . sa kabilang palad naatasan ang aming batalion na e deploy sa Marawi, ayun nga May 26, 2017 nadeploy kami sa Marawi. Napakahirap ang aming buhay dun. Mahirap n sa mahirap. Sagana kami sa pagkain de Lata at bigas. pero iniwan namin eto dahil dagdag sa pa eto sa Bigat dahil mas Pinili nmin na magdagdag ng karagdagang bala kaysa sa pagkain. Napakahirap ng buhay ang aming naranasan putok dun. bomba dun, takbo dun , gapang dun , napakahirap ng buhay dun, wala akong ibang alam n gawin kundi manalagin , sa bawat galaw ko dasal ang ginagawa ko, mga dalawang Lingo na lumipas naitulak namin ang mga Maute sa kanilang stronghold sa brgy. Lilod Marawi City. dito matatagpuan ang Mapandi Bridge. kami ay tumakbo dito kasama ang aming kumpanya ang MBLT-5, nakatawid ang aming kumpanya pero sa kasamaang palad na wounded ang aming Gunny at ang aking Mego, ayun nga kahit nabawasan kami mas lalo kaming tumapang tuloy ang bakbakan subrang hirap ang buhay nmin dun kasi 8 meters lang ang labanan sa kalaban, bahay to bahay lng talaga. ayun nga ndi ko n.papatagalin June 01, 2017 , tanghaling tapat nasabugan.ang aming team natamaan kami ng RPG, sampo sa amin ang sugatan kasama ako dun isa ako sa mga nawounded dun buti n.lng at narescue kami.agad at buhay kaming lahat nung araw na yun. Maraming maraming salamat Panginoon hindi mo.kami pinabayaan.