Biyernes, Disyembre 16, 2016

Aking Hiling Bilang isang sundalo

Nung akong bata pa ni minsan hindi ko pinangarap maging isang sundalong MARINO. Ang gusto ko noon maging engineer pero hindi rin eto natupad , kumuha ako ng Information Technology kahit hindi ko naman eto gusto. Siguro nga eto ang nakalaan sa akin. Alam nyu ba ang pinaka mimithi ko? Ung gustong gusto kung mangyari , napaka simple lang pero hindi pa eto nangyari. Pero naramdaman ko n nangyari na, eto ang aking pangarap " Makitang nakangiti sa akin si Mama ". Sana bago man lang ako matamaan ng bala o mawalan ng hininga,  Makita ko man lang ang na ngumiti sa akin si mama.

Mula nung akoy pumasok ako sa Militarry. Nagbago ang lahat. Napakabait sa akin ni mama. At nung nag tratraining ako bilang marino nagpadala sya ng sulat. Nag sorry sya sa akin. At sinabi ang katagang " Anak Iloveyou" . Buhus luha ako habang binabasa ang sulat na iyun at paulit ulit ko etong binasa. 

At ngayun andito ako sa mindanao, lagi sya nag tetext sa akin si Mama ng " anak iloveyou and i miss you Godbless". Kahit sobrang hirap ang buhay ko dito Hindi ako nagsisi na akoy naging Sundalo. Dahil dito nag ka ayus kami ni Mama. Kung ako ay paladin na matamaan ng Bala at mawalan ng hininga. Hiling ko sau na ngumiti ka sa aking libingan. Dahil anak nyu ay isang sundalo pinanganak para mamatay.Salamat 


Miyerkules, Disyembre 7, 2016

eco eco.ng isang candidate soldier

Sa loob ng walong buwan bilang candidate soldier eto ang pinaka hihintay nmin ang eco eco, ano nga ba ang eco eco? Secret lng yun pero luhaan kami lahat dito. Hampas dito hampas duon. Bugbug dito bugbug dun , hangang masugat sugat ang iyung katawan, at maghapon un , grabe talga maghapon, pero survive nmn , despite sa mga natamo mung sugat at pasa sa katawan papahiran k pa ng na blend na sili sa katawan oh sarap talaga maging marino. Salamat at natapos ko n ang buhay cs.

Sabado, Disyembre 3, 2016

Ako ay isa sa mga most junior dito sa amimg batallion, napakahirap maging most junior, kasi nasa amin ang center of the eye  ng mga senior namin, isang mali bugbug, hays hirap talaga, kadalasan sa Galley ang pinakamadaming bulyaso, pag luluto ng ulam at lalo na sa kanin na linuluto nmin sa square pot , ang pinaka mahirap ay sa lakaran ikaw ang my pinakamadami na bitbit , ang hirap tlaga buti n lng parating n mga junior namin, mqkakapahinga siguro  ako nun, sana nga