Biyernes, Disyembre 16, 2016

Aking Hiling Bilang isang sundalo

Nung akong bata pa ni minsan hindi ko pinangarap maging isang sundalong MARINO. Ang gusto ko noon maging engineer pero hindi rin eto natupad , kumuha ako ng Information Technology kahit hindi ko naman eto gusto. Siguro nga eto ang nakalaan sa akin. Alam nyu ba ang pinaka mimithi ko? Ung gustong gusto kung mangyari , napaka simple lang pero hindi pa eto nangyari. Pero naramdaman ko n nangyari na, eto ang aking pangarap " Makitang nakangiti sa akin si Mama ". Sana bago man lang ako matamaan ng bala o mawalan ng hininga,  Makita ko man lang ang na ngumiti sa akin si mama.

Mula nung akoy pumasok ako sa Militarry. Nagbago ang lahat. Napakabait sa akin ni mama. At nung nag tratraining ako bilang marino nagpadala sya ng sulat. Nag sorry sya sa akin. At sinabi ang katagang " Anak Iloveyou" . Buhus luha ako habang binabasa ang sulat na iyun at paulit ulit ko etong binasa. 

At ngayun andito ako sa mindanao, lagi sya nag tetext sa akin si Mama ng " anak iloveyou and i miss you Godbless". Kahit sobrang hirap ang buhay ko dito Hindi ako nagsisi na akoy naging Sundalo. Dahil dito nag ka ayus kami ni Mama. Kung ako ay paladin na matamaan ng Bala at mawalan ng hininga. Hiling ko sau na ngumiti ka sa aking libingan. Dahil anak nyu ay isang sundalo pinanganak para mamatay.Salamat 


Miyerkules, Disyembre 7, 2016

eco eco.ng isang candidate soldier

Sa loob ng walong buwan bilang candidate soldier eto ang pinaka hihintay nmin ang eco eco, ano nga ba ang eco eco? Secret lng yun pero luhaan kami lahat dito. Hampas dito hampas duon. Bugbug dito bugbug dun , hangang masugat sugat ang iyung katawan, at maghapon un , grabe talga maghapon, pero survive nmn , despite sa mga natamo mung sugat at pasa sa katawan papahiran k pa ng na blend na sili sa katawan oh sarap talaga maging marino. Salamat at natapos ko n ang buhay cs.

Sabado, Disyembre 3, 2016

Ako ay isa sa mga most junior dito sa amimg batallion, napakahirap maging most junior, kasi nasa amin ang center of the eye  ng mga senior namin, isang mali bugbug, hays hirap talaga, kadalasan sa Galley ang pinakamadaming bulyaso, pag luluto ng ulam at lalo na sa kanin na linuluto nmin sa square pot , ang pinaka mahirap ay sa lakaran ikaw ang my pinakamadami na bitbit , ang hirap tlaga buti n lng parating n mga junior namin, mqkakapahinga siguro  ako nun, sana nga

Miyerkules, Nobyembre 30, 2016

oh


Pinakain mo na, pina inum mo na, pinagsilbihan mo na, BINUGBUG KA PA , ganyan sa amin, Oo masakit pero nakakadagdag tapang eto sa amin, The few the Proud nga eh. Madami sa amin nag aawol dahil dito kahit sa training center ay madami ng nag aawol kaya masasabi kong atapang a tao ako kasi nga hindi pa ako nag aawol. Kaya sa mga nagbabalak mag marines jan. Hindi lng lakas ng katawan ang kailangan, tatag din ng isipan, sakit ng katawan wala yan, may sahod naman eh, kaysa naman tambay ka tapos binugbug ka, may makukuha ka bang pera? Haha positive thingking ba. Saka dodoblehin daw sahod  namin, san ka pa mag aawol ka pa ba? Isipin din natin pamilya natin at ang ating kinabukasan, kahit mahirap kailangan magtiis. MARINES NGA EH .

Linggo, Nobyembre 27, 2016

Unang Operation

Nakakatakot pero alam nyu ba pag naka amoy ka na ng pulbura sa gera ay tumatapang ka na parang beastmode ba, pero dasal muna syempre, salamat Lord walang nalagas sa marines , pero sa kapatid naming Army na may namatay na isa,  naway nasa kamay k ng maykapal. Buhay marino kay hirap talaga.

Martes, Nobyembre 22, 2016

Kakayanin ko eto


Sobrang hirap maging Marino, pag apply p plang mahirap na, tapos hirap pa mapagtagumpayan ung training, lubos ako na nagpapasalamat sa Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas at pag asa, Kadalasan na tanong sa amin, " hindi k b takot mamatay? "Uhmmm sa totoo lang takot ako pero lahat tayu mamatay, alam ko din n hindi ako mamatay agad agad, masamang damo ako eh haha joke lang, may pangako sa atin ang panginoon  , sabi p nga nya sa jeremiah 19:21 For I know the plans I have for you , Plans to prosper you , Not to harm you, PLANS TO GIVE YOU HOPE AND A FUTURE.. Lord tulungan nyu kami Lord, e blessed nyu ang aming mga kapatid na MNLF, abusayaf at iba pa, bigya  nyu sila ng ikabubuhay at alisin nyu Lord ang mga sumusuporta sa kanila sa ibat ibang masasamang layunin, Salamat Lord , Amen.

Kapatid ipagdasal natin ang kapayapaan  sa ating Bansa pati n rin sa buong Mundo.

lovelife ng Bagong Marino


Meron akong pinaka mamahal n babae ,  itago natin sya s pangalang RB, Mahal n mahal ko sya, pumasok ako s marines at nag training ng 8 months sa The basic School. Sa kabutihang palad nakapasa at natagumpayan ko ang training na un, Alam nyu ba ginawa ko syang inspirasyun habang nag tratraining ako, at lagi ko sya pinagmamalaki na may girlfriend akong Nurse at napakaganda nya, yan ang bukam bibig ko s aking ka trainee nun, at eto na nga graduation namin, authorize n kami gumamit ng cp , tinawagan ko sya sinagot nya pero in off nya agad, tinext ko sya pero wala syang replay pero ok lng buong akala ko busy lng sya... pero nung naka uwi n ako nag txt ako sa kanya at nag replay sya , Nakipag break daw ako s kanya habang nasa trainee ako? WHAT??!  Bawal nga Cp sa amin sa trainee eh pero my chance na etxt sya pero hindi ako naki pag break. Ang saklap lng talaga nag break kayu ng mahal mo na hindi mo nmn ginawa. Sabi nga ng Drill instructor namin "buhay nga naman Oh!"