Lunes, Nobyembre 13, 2017

Marawi Siege







May 24,2017 nasa Maguindanao kami kakatapos lang ng operation namin sa isa sa mga bundok dun. kamiy natutuwa at Hindi kami.napa encounter sa aming lakaran . sa kabilang palad naatasan ang aming batalion na e deploy sa Marawi, ayun nga May 26, 2017 nadeploy kami sa Marawi. Napakahirap ang aming buhay dun. Mahirap n sa mahirap. Sagana kami sa  pagkain de Lata at bigas. pero iniwan namin eto dahil dagdag sa pa eto sa Bigat dahil mas Pinili nmin na magdagdag ng karagdagang bala kaysa sa pagkain. Napakahirap ng buhay ang aming naranasan putok dun. bomba dun, takbo dun , gapang dun , napakahirap ng buhay dun, wala akong ibang alam n gawin kundi manalagin , sa bawat galaw ko dasal ang ginagawa ko, mga dalawang Lingo na lumipas naitulak namin ang mga Maute sa kanilang stronghold sa brgy. Lilod Marawi City. dito matatagpuan ang Mapandi Bridge. kami ay tumakbo dito kasama ang aming kumpanya ang MBLT-5, nakatawid ang aming kumpanya pero sa kasamaang palad na wounded ang aming Gunny at ang aking Mego, ayun  nga kahit nabawasan kami mas lalo kaming tumapang tuloy ang bakbakan subrang hirap ang buhay nmin dun kasi 8 meters lang ang labanan sa kalaban, bahay to bahay lng talaga. ayun nga ndi ko n.papatagalin June 01, 2017 , tanghaling tapat nasabugan.ang aming team natamaan kami ng RPG, sampo sa amin ang sugatan kasama ako dun isa ako sa mga nawounded dun buti n.lng at narescue kami.agad at buhay kaming lahat nung araw na yun. Maraming maraming salamat Panginoon hindi mo.kami pinabayaan.

Lunes, Enero 9, 2017

Galley

7
Grabe meg, Ang init ng labanan nmin sa Galley :) sobrang init talaga halos araw araw hindi k makapahinga , at eto talaga ang pinaka da best part kung palpak ang luto mo, katakot takot na bugbug ang abot mo , marines nga eh , horaaah

Biyernes, Disyembre 16, 2016

Aking Hiling Bilang isang sundalo

Nung akong bata pa ni minsan hindi ko pinangarap maging isang sundalong MARINO. Ang gusto ko noon maging engineer pero hindi rin eto natupad , kumuha ako ng Information Technology kahit hindi ko naman eto gusto. Siguro nga eto ang nakalaan sa akin. Alam nyu ba ang pinaka mimithi ko? Ung gustong gusto kung mangyari , napaka simple lang pero hindi pa eto nangyari. Pero naramdaman ko n nangyari na, eto ang aking pangarap " Makitang nakangiti sa akin si Mama ". Sana bago man lang ako matamaan ng bala o mawalan ng hininga,  Makita ko man lang ang na ngumiti sa akin si mama.

Mula nung akoy pumasok ako sa Militarry. Nagbago ang lahat. Napakabait sa akin ni mama. At nung nag tratraining ako bilang marino nagpadala sya ng sulat. Nag sorry sya sa akin. At sinabi ang katagang " Anak Iloveyou" . Buhus luha ako habang binabasa ang sulat na iyun at paulit ulit ko etong binasa. 

At ngayun andito ako sa mindanao, lagi sya nag tetext sa akin si Mama ng " anak iloveyou and i miss you Godbless". Kahit sobrang hirap ang buhay ko dito Hindi ako nagsisi na akoy naging Sundalo. Dahil dito nag ka ayus kami ni Mama. Kung ako ay paladin na matamaan ng Bala at mawalan ng hininga. Hiling ko sau na ngumiti ka sa aking libingan. Dahil anak nyu ay isang sundalo pinanganak para mamatay.Salamat 


Miyerkules, Disyembre 7, 2016

eco eco.ng isang candidate soldier

Sa loob ng walong buwan bilang candidate soldier eto ang pinaka hihintay nmin ang eco eco, ano nga ba ang eco eco? Secret lng yun pero luhaan kami lahat dito. Hampas dito hampas duon. Bugbug dito bugbug dun , hangang masugat sugat ang iyung katawan, at maghapon un , grabe talga maghapon, pero survive nmn , despite sa mga natamo mung sugat at pasa sa katawan papahiran k pa ng na blend na sili sa katawan oh sarap talaga maging marino. Salamat at natapos ko n ang buhay cs.

Sabado, Disyembre 3, 2016

Ako ay isa sa mga most junior dito sa amimg batallion, napakahirap maging most junior, kasi nasa amin ang center of the eye  ng mga senior namin, isang mali bugbug, hays hirap talaga, kadalasan sa Galley ang pinakamadaming bulyaso, pag luluto ng ulam at lalo na sa kanin na linuluto nmin sa square pot , ang pinaka mahirap ay sa lakaran ikaw ang my pinakamadami na bitbit , ang hirap tlaga buti n lng parating n mga junior namin, mqkakapahinga siguro  ako nun, sana nga

Miyerkules, Nobyembre 30, 2016

oh


Pinakain mo na, pina inum mo na, pinagsilbihan mo na, BINUGBUG KA PA , ganyan sa amin, Oo masakit pero nakakadagdag tapang eto sa amin, The few the Proud nga eh. Madami sa amin nag aawol dahil dito kahit sa training center ay madami ng nag aawol kaya masasabi kong atapang a tao ako kasi nga hindi pa ako nag aawol. Kaya sa mga nagbabalak mag marines jan. Hindi lng lakas ng katawan ang kailangan, tatag din ng isipan, sakit ng katawan wala yan, may sahod naman eh, kaysa naman tambay ka tapos binugbug ka, may makukuha ka bang pera? Haha positive thingking ba. Saka dodoblehin daw sahod  namin, san ka pa mag aawol ka pa ba? Isipin din natin pamilya natin at ang ating kinabukasan, kahit mahirap kailangan magtiis. MARINES NGA EH .

Linggo, Nobyembre 27, 2016

Unang Operation

Nakakatakot pero alam nyu ba pag naka amoy ka na ng pulbura sa gera ay tumatapang ka na parang beastmode ba, pero dasal muna syempre, salamat Lord walang nalagas sa marines , pero sa kapatid naming Army na may namatay na isa,  naway nasa kamay k ng maykapal. Buhay marino kay hirap talaga.